Molar na bigat
| Molar na bigat | |
|---|---|
Mga kadalasang simbulo | M |
| Yunit SI | kg/mol |
Ibang yunit | g/mol |
| Dimensiyon | M N−1 |
Sa kimika, ang molar na bigat (Ingles: molar mass) ay isang pisikal na katangian. Ito ay ang masa ng isang sabstans (hal. elementong kemikal o kompuwestong kemikal) na hinati sa dami ng isang sustansiyang kimikal.[1] Kadalasan itong sinisimbulo bilang M.
Ang batayang yunit SI para rito ay kg/mol. Gayunpaman, karaniwang ginagamit ang g/mol bilang pansukat para sa molar na bigat. Halimbawa, ang molar na bigat para sa tubig ay M(H2O) ≈ 18 g/mol.
Molar na bigat ng mga elemento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang molar na bigat ng isang atomo ng isang elemento ay ang atomikong timbang ng elemento[2] na pinaparami ng (multiplied by) konstanteng molar na bigat, Mu = 1 × 10−3 kg/mol = 1 g/mol:
- M(H) = 1.007 97(7) × 1 g/mol = 1.007 97(7) g/mol
- M(S) = 32.065(5) × 1 g/mol = 32.065(5) g/mol
- M(Cl) = 35.453(2) × 1 g/mol = 35.453(2) g/mol
- M(Fe) = 55.845(2) × 1 g/mol = 55.845(2) g/mol.
Sa paggamit ng Mu, natitiyak na ang kalkulasyon ay tama sa aspetong dimensyonal: walang dimensyon (dimensionless, i.e., purong numero) ang kantidad na atomikong timbang, habang mayroon naman ang molar na bigat—sa kasong ito, g/mol.
Sa mga elementong makikita bilang molekula, hal. idrohino (H2), asupre (S8), klorin (Cl2), katumbas ng M ang molar na bigat ng kanilang atomo na pinaparami ng bilang ng atomo kada molekula:
- M(H2) = 2 × 1.007 97(7) × 1 g/mol = 2.015 88(14) g/mol
- M(S8) = 8 × 32.065(5) × 1 g/mol = 256.52(4) g/mol
- M(Cl2) = 2 × 35.453(2) × 1 g/mol = 70.906(4) g/mol.
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ International Union of Pure and Applied Chemistry (1993). Quantities, Units and Symbols in Physical Chemistry, 2nd edition, Oxford: Blackwell Science. ISBN 0-632-03583-8. p. 41. Electronic version.
- ↑ Wieser, M. E. (2006), "Atomic Weights of the Elements 2005" (PDF), Pure and Applied Chemistry, 78 (11): 2051–66, doi:10.1351/pac200678112051
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- HTML5 Molar Mass Calculator Naka-arkibo 2017-04-25 sa Wayback Machine. web and mobile application.
- Online Molar Mass Calculator Naka-arkibo 2017-03-26 sa Wayback Machine. with the uncertainty of M and all the calculations shown
- Molar Mass Calculator Online Molar Mass and Elemental Composition Calculator
- Stoichiometry Add-In for Microsoft Excel Naka-arkibo 2011-05-11 sa Wayback Machine. for calculation of molecular weights, reaction coefficients and stoichiometry. It includes both average atomic weights and isotopic weights.
