close
Pumunta sa nilalaman

Beterano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang beterano (mula sa Latin na vetus, nangangahulugang "matanda") ay isang indibiduwal na nagsisilbi ng matagal o may mahabang karanasan sa isang partikular na trabaho o larangan.[1]

Partikular na tumutukoy ang katawagang ito sa mga beteranong militar na nagsilbi o nagsisilbi nang matagal sa hukbong sandatahan. Ang mga beteranong na direktang nagbabad sa mga labanang militar ay maaring matawag bilang mga beterano sa digmaan (bagaman hindi lahat ng labanan, o mga bahagi na may sandatahang pakikipaglaban, ay kinakailangang tukuyin bilang digmaan).

  1. "Definition of VETERAN". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). 2026-03-21. Nakuha noong 2026-03-24.