Victoria ng Gran Britanya
Si Victoria (Alexandrina Victoria; Mayo 24, 1819 – Enero 22, 1901) ay reyna ng Reyno Unido ng Gran Britanya at Irlanda mula Hunyo 20, 1837, at naging unang Emperatris ng India mula Mayo 1, 1876 hanggang sa kaniyang kamatayan noong Enero 22, 1901. Nagtagal ang kanyang pagiging monarka ng 63 taon at pitong buwan, ang pinakamahabang panahon ng pamumuno[1] nang kahit sinong monarkang Briton hanggang nalampasan ni Elizabeth II noong 2015[2]. Sa pangkalahatan, tinatawag na kapanahunan ni Victoria (Victorian era sa Ingles) ang panahon na nakasentro sa kaniyang pagiging reyna. Binansagan siyang "Balo ng Windsor", dahil sa kanyang pagdadalamhati sa pagkamatay ng kaniyang asawa na si Prinsipe Albert ng Saxe-Coburg-Gotha noong 1861.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "WHO WAS "THE WIDOW AT WINDSOR?"". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 34.
- ↑ "Queen Elizabeth II becomes longest-reigning UK monarch". BBC News (sa wikang Ingles). 2015-09-08. Nakuha noong 2026-07-28.
![]()
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
